Tuesday, May 22, 2018



Aralan 101 – Ikatlong Bahagi

“Bagong Henerasyon,  Bagong Nasyon”[i]
Bakit  nagtayo ng sariling pamayanan si Tatang?
            Una, dahil gusto niyang ituwid ang kasaysayan.  Ikalawa, dahil panahon na upang ipakilala ang bagong henerasyon ng mga tao na magtatayo ng bagong nasyon na  magdadala sa PIlipinas sa  isang ginintuang panahon.  
Bilang pagtutuwid sa kasaysayan, ipinahayag ni Tatang sa taong bayan ang katotohanang ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang 20 milyong dolyares. Sa Treaty of Paris noong Disyembre 10, 1898 napahinuhod ng  Amerika ang Espanya na isuko ang Pilipinas sa Amerika sa halagang $20 M.  Bunsod ito ng pagkatalo ng Espanya sa Amerika sa digmaang ng dalawang bansa.  Kabilang sa isinurender ng Espanya ang teritoryo ng Guam at Puerto Rico.  Para kay Tatang, isang malaking pandaraya ang Treaty of Paris dahil tinalo ng mga rebolusyonaryong Pilipino at Katipunero ang Espanya at nagdeklara na ito ng kalayaan sa Kawit Cavite noong Hunyo 12, 1898, limang buwan bago ang pirmahan sa Treaty of Paris.  
Sa nasabing tratado, ang mga karapatang sibil at politikal ng mga Pilipino  ay isinuko ng Espanya sa Amerika.  Nawalan ng kalayaan ang bawat Pilipino patungkol sa  kanyang  pagkatao, kultura at kasarinlan. Ang buong lupain ng Pilipinas ay inangkin ng Amerika, at sinaklawan ng mga batas na nagmumula sa Washington.   Ang mga ayaw sumunod sa batas na pinatutupad ng Amerika ay tinuring na kaaway, bandido, erehe at masasamang tao.   
Hanggang dumating ang pagkakataong hindi pinalampas ni Tatang.  Ito ay ang pagsasabatas sa America ng Tydings-Mc Duffie Act ng 1934, na kung saan binigyan ng Amerika ng sampung taon ang  Pilipinas upang magtayo ng sariling pamahalaan sa ilallim ng Commonwealth period.    .
Para kay Tatang, ito ang tamang tiyempo para ihayag sa buong bayan ang pagtugon niya sa hinihinging pagsasasarili (self-governance) ng Tydings Mc Duffie Law. Inipon ni Tatang ang buong kasapian ng Bucal na sa kanyang rekord ay umabot sa  4,004,014. Itinayo niya ang Lapiang Malaya (LM) noong Marso 4, 1957.  Kaalinsabay nito, ginamit niya ang bilang ng kasapian bilang garantiya sa Comelec para hayaan siyang tumakbo ng pagka-pangulo sa pambansang halalan.    
Naglabas ng kasulatan ang Lapiang Malaya na tinawag na Tagalog Charter.  Ito ay deklarasyon ng “bagong henerasyon ng mga tao”  na humihiling na pagtibayin at igalang ang kanilang likas at natural na karapatan bilang tao,  na ipinagkait sa kanila nang sakupin sila ng Amerika.  Sinasabi sa Tagalog Charter na ang “bagong  henerasyon” na ito ay may sariling kakanyahan, lahi,  soberenya, pananampalataya, wika, kultura at kabihasnan na natatanging kanila lamang.  Kaya’t dapat kilalanin ang bagong henerasyon ng lahat ng bansa at bigyan ng pantay na pagtrato. Tignan sa  dulo ang  kabuuang manipesto na nilathala sa Manila News, August 8-22, 1966.
Kung tutuusin, kakaunting mga Pilipino ang naka-unawa kay Tatang noong mga 1950s sapagkat lubhang nakaka-angat ang kanyang kaisipan ng mga panahong iyon. Sabi nga ni Alsaybar sa kanyang thesis, abante ng maraming taon si Tatang kina Marcos  at Cory Aquino na parehong nagsagawa ng pagbabago sa lumang konstitusyon ng 1935 sa ilalim ng kanilang termino. Si Marcos noong 1973 para baguhin ang sistema ng pamahalaan sa  isang parliamentaryo at si Cory Aquino noong 1987 na tinawag na Freedom Constitution.  Nauna nang mahigit sampung taon  si Tatang sa mga kabataan na nagrarali at nagmamartsa noong mga 1970s sa mga parehong isyu na pinaglaban ni Tatang.  Nauna rin si Tatang sa mga Muslim na nagdeklara ng pagsasarili bandang 1970s.  At hindi ba People’s Power din na matatawag ang “bagong henerasyon” ni Tatang na ipinakilala niya sa kampanya niya pagka-Pangulo ng 1957.  
Sapagkat si Tatang, sabi nga ng mga kasapi ng LM ay hindi basta tao. Naniniwala sila na si Tatang ay “reincarnation” o muling pagkakatawang-tao ni Hesukristo sapagkat dala-dala niya ang lahat ng mga katangian at kapasidad ng “tatak ng tunay na aklat ng Deyos” (mark of a true book of God).  Inisa-isa ni Alsaybar sa kanyang thesis ang mga katangian ng isang tunay na lider na nasa katauhan ni Tatang, ayon sa ilang masugid na alagad nito:
1)    Guro – nagtuturo ng mga banal na aral ayon sa turo’t aral ng Maestro Jesus sa patnubay ng  Espiritu Santo.
2)    Manghuhula – nakakatalos ng damdamin ng isang tao sa patnubay ng banal na diwa ni Maestro Jesus at Sanggunia ng mga lihim na suliranin ng tao.
3)    Manggagamot – nakapagpapagaling ng sakit ng katawan ng tao at ng kaluluwa ng tao ayon sa paggamot ng Maestro Jesus.
4)    Mangangaral – nangangaral sa pagkilala sa tunay na Deyos ayon sa turo’t aral ng Maestro Jesus, na hiwalay sa aklat na ginawa ng kaalaman ng tao.  Nangangaral sa patnubay at diwa ng Maestro Jesus.
5)    Simula at katapusan – punong tagapagpaganap sa hiwaga ng Deyos na s iya ang  una at huling tagapagpatupad at tagasunod sa aral ng Maestro Jesus.
Hindi na natin uungkatin dito ang malagim na pangyayari noong Mayo 21, 1967 kung saan 33 kasapi ng Lapiang Malaya ang minasaker na walang kalaban-laban ng mga pinagsamang puwersa ng kapulisan at sundalo ng Administrasyong Marcos.  Sa unang pagkakataon, ginamit ang armalite sa mga Lapiang Malaya na tanging dala dala ay gulok na simbolo ng  kalayaan na pinagtagumpayan ng mga Katipunero noong 1986.  Ang masaklap sa nangyaring masaker ay ang  paratang na si Tatang ay luku-luko kaya’t kinulong  siya sampu ng kanyang mga matataas na opisyal sa National Mental Hospital.  Labing isa sa mga lider ng LM ay nabilanggo ng apat na taon.   
            Naging matinding dagok sa kapatiran ng Lapiang Malaya ang masaker noong Mayo  21, 1967.  Ngunit nagkaroon sila ng bagong pag-asa  sa salitang binitiwan mismo ni Tatang bago siya binawian ng buhay, “Iiwanan ko na muna kayo, ngunit ako ay muling babalik.  Kalimutan ninyo ako, huwag lang ang mga itinuro ko sa inyo.”
            Inilibing si Tatang sa Manila Memorial Park, at sa pagdala sa kanyang huling  hantungan, animo’y bumukas ang langit.  Sabi ng mga nakasaksi, nagkaroon ng mga kidlat, pagdagundong sa kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan.  Sa kanyang lapida, nakaukit ang sumusunod:
Reverend Doctor Valentin de los Santos
Inventor at Supremo ng Lapiang Malaya
at Bucal (Vucal) ng Pananampalataya
Isinilang:  Nobyembre 3, 1887
Nag-ibang anyo:  Agosto 23, 1967

Hindi namatay si Tatang ayon sa LM kundi nagbagong-anyo.  Sa espiritwal ang  namamatay lamang ay ang katawang-lupa samantalang ang espiritu ay patuloy na nabubuhay at maaring magbalik-balik uli sa panibagong katawan o anyo.  Sabi rin nila, ang ibig sabihin ng Valentin de los Santos ay “bale sampung ilaw ng mga santo”, na nagpapahiwatig ng iba’t ibang santo na lumalangkap sa kanyang katauhan at siya rin ang sulo tungo sa espiritwal na kaliwanagan.
--------------------------------  

Tagalog Charter:
Declaration of the Birth-Right of a New Generation  of People

“That the United Nations in Article 15 of the Universal Declaration of Human Rights proclaimed: 1) That everyone has the right to nationality; and  2) that no one  shall be arbitrarily deprived of his nationality nor denied the right to change the same;

“That the individual human rights are the inseparable attributes of his or her person, and includes among others “a persons’s birth-right” and this right is what gives him or her the dignity and worth as a human being.”

“That in the last paragraph of Article IX of the Treaty of Paris and Article 1 of the Spanish Royal Decree of May 11, l901, it was clearly stated that: the civil rights and political status of the native inhabitant of the territories hereby ceded to the United States shall be determined by the Congress which proviso “left no such choice to the native born subjects of the territory;”

“That  as a result of American Occupation and administration  over the said islands, Philippine citizenship was determined and governed by Article IX of the Treaty of Paris, by Article 1 of the Spanish Royal Decree of May 11,  1901, as amended by an Act of Congress of March 23, 1912 by Section 2 a) paragraph 1 of Congressional Act dated Commonwealth Constitution and designated as “The Filipino People” by the Preamble  of said Constitution  as approved by the  President of the United States on March 23, 1935 (U.S. Statute at Large, Vol 48);

“That the urge to denounce and fight to cast the yoke of Slavery or Involuntary Servitude is innate in the heart of any individual no matter what race and no matter in what form said servitude may have been disguised or colored, particularly where one’s citizenship or nationality was determined by a treaty, mandate or statutes of a foreign power as the United States;

“That  to give  substance and meaning to this struggle to free our people from bondage, the natives of the Islands composed of men, women, and children from  all walks of  life numbering four million, four thousand and fourteen (4,004,014) embracing native Tagalogs, Visayans, Muslims and other native-born whose nativity  ranges from Y’Ami, Batanes to the Zaluag-Muslim, was drafted and bonded together and once formed, promulgated the “Tagalog Charter”, and in accord with the spirit of the Enabling Act of Congress, the Tydings-McDuffie Law, “To provide for a Constitution and complete independence of the Philippine Islands” was duly registered “fait accompli” on March 7, 1957, with the Commission on Elections (re:  Valentin V.  de los Santos) prior   to the 1957 National Elections;

“That through the reaffirmation of their forefathers’ traditions and  faith in the Almighty DEYOS, the people of these islands native-born inhabitants of the Archipelago with the registration of the New Generation under the Tagalog Charter have by virtue of their Act established the people’s Birthright for the purpose of assuming their national identity;

“In  view thereof, the New Generation of People proclaims the Declaration of Birth-Right as a natural and  fundamental achievement for all the native-born inhabitants of the archipelago and its dependencies whose natural, inherent rights, status, citizenship or which deprivation resulted from the cession of their sovereignty to the United States by the Treaty of Paris of December 10, 1898 and of the political and colonial bonds which have bound them together through congressional acts and executive orders of the United States Government with the end in view of exercising  the fundamental and natural rights inherent to give them the dignity and worth as human beings, a distinct race, a sovereign people destined to assume an equal and dignified station in life with a culture and language of their own to which the laws of nature entitle them, to uphold and reaffirm their forefather’s tradition and faith in the Almighty DEYOS and ultimately, to remind the government of the United States and the government of all other nations that it is their sacred obligation to treat the New Generation of people  with the same  respect and courtesy which is their rightful due as a people of dignity for which even the people of America and other countries have constantly fought and died for and as such are accustomed to require from each other.

In Testimony Whereof and for and in behalf of the native inhabitants of the territory, I have hereunto affixed my signature and seal this  27th day of July, 1966.

(Sgd.)


Valentin V. de los Santos
Supreme Head
(Registered Inventor – Washington DC)




[i] Karamihan sa impormasyon sa artikulong ito, pati na ang manipesto, ay halaw sa master’s thesis ni Bangele Alsaybar, “New People, New Nation – An Interpretive Anthropological Study of Lapiang Malaya, 1987, na matatagpuan sa Filipiniana Section, Main Library, UP Diliman.

No comments:

Post a Comment