Aralan
101 – Ikatlong Bahagi
“Bagong
Henerasyon, Bagong Nasyon”[i]
Bakit nagtayo ng sariling
pamayanan si Tatang?
Una,
dahil gusto niyang ituwid ang kasaysayan.
Ikalawa, dahil panahon na upang ipakilala ang bagong henerasyon ng mga
tao na magtatayo ng bagong nasyon na magdadala sa PIlipinas sa isang ginintuang panahon.
Bilang pagtutuwid sa
kasaysayan, ipinahayag ni Tatang sa taong bayan ang katotohanang ibinenta ng
Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang 20 milyong dolyares. Sa
Treaty of Paris noong Disyembre 10, 1898 napahinuhod ng Amerika ang Espanya na isuko ang Pilipinas sa
Amerika sa halagang $20 M. Bunsod ito ng
pagkatalo ng Espanya sa Amerika sa digmaang ng dalawang bansa. Kabilang sa isinurender ng Espanya ang
teritoryo ng Guam at Puerto Rico. Para
kay Tatang, isang malaking pandaraya ang Treaty of Paris dahil tinalo ng mga
rebolusyonaryong Pilipino at Katipunero ang Espanya at nagdeklara na ito ng
kalayaan sa Kawit Cavite noong Hunyo 12, 1898, limang buwan bago ang pirmahan
sa Treaty of Paris.
Sa nasabing tratado, ang mga
karapatang sibil at politikal ng mga Pilipino
ay isinuko ng Espanya sa Amerika.
Nawalan ng kalayaan ang bawat Pilipino patungkol sa kanyang
pagkatao, kultura at kasarinlan. Ang buong lupain ng Pilipinas ay
inangkin ng Amerika, at sinaklawan ng mga batas na nagmumula sa
Washington. Ang mga ayaw sumunod sa
batas na pinatutupad ng Amerika ay tinuring na kaaway, bandido, erehe at
masasamang tao.
Hanggang dumating ang
pagkakataong hindi pinalampas ni Tatang.
Ito ay ang pagsasabatas sa America ng Tydings-Mc Duffie Act ng 1934, na kung
saan binigyan ng Amerika ng sampung taon ang
Pilipinas upang magtayo ng sariling pamahalaan sa ilallim ng
Commonwealth period. .
Para kay Tatang, ito ang
tamang tiyempo para ihayag sa buong bayan ang pagtugon niya sa hinihinging pagsasasarili
(self-governance) ng Tydings Mc Duffie Law. Inipon ni Tatang ang buong kasapian
ng Bucal na sa kanyang rekord ay umabot sa 4,004,014. Itinayo niya ang Lapiang Malaya (LM)
noong Marso 4, 1957. Kaalinsabay nito,
ginamit niya ang bilang ng kasapian bilang garantiya sa Comelec para hayaan
siyang tumakbo ng pagka-pangulo sa pambansang halalan.
Naglabas ng kasulatan ang
Lapiang Malaya na tinawag na Tagalog
Charter. Ito ay deklarasyon ng “bagong henerasyon ng mga tao” na humihiling na pagtibayin at igalang ang
kanilang likas at natural na karapatan bilang tao, na ipinagkait sa kanila nang sakupin sila ng
Amerika. Sinasabi sa Tagalog Charter na
ang “bagong henerasyon” na ito ay may
sariling kakanyahan, lahi, soberenya, pananampalataya,
wika, kultura at kabihasnan na natatanging kanila lamang. Kaya’t dapat kilalanin ang bagong henerasyon
ng lahat ng bansa at bigyan ng pantay na pagtrato. Tignan sa dulo ang
kabuuang manipesto na nilathala sa Manila News, August 8-22, 1966.
Kung tutuusin, kakaunting
mga Pilipino ang naka-unawa kay Tatang noong mga 1950s sapagkat lubhang
nakaka-angat ang kanyang kaisipan ng mga panahong iyon. Sabi nga ni Alsaybar sa
kanyang thesis, abante ng maraming taon si Tatang kina Marcos at Cory Aquino na parehong nagsagawa ng
pagbabago sa lumang konstitusyon ng 1935 sa ilalim ng kanilang termino. Si
Marcos noong 1973 para baguhin ang sistema ng pamahalaan sa isang parliamentaryo at si Cory Aquino noong
1987 na tinawag na Freedom Constitution.
Nauna nang mahigit sampung taon
si Tatang sa mga kabataan na nagrarali at nagmamartsa noong mga 1970s sa
mga parehong isyu na pinaglaban ni Tatang.
Nauna rin si Tatang sa mga Muslim na nagdeklara ng pagsasarili bandang
1970s. At hindi ba People’s Power din na
matatawag ang “bagong henerasyon” ni Tatang na ipinakilala niya sa kampanya
niya pagka-Pangulo ng 1957.
Sapagkat si Tatang, sabi nga
ng mga kasapi ng LM ay hindi basta tao. Naniniwala sila na si Tatang ay
“reincarnation” o muling pagkakatawang-tao ni Hesukristo sapagkat dala-dala
niya ang lahat ng mga katangian at kapasidad ng “tatak ng tunay na aklat ng
Deyos” (mark of a true book of God).
Inisa-isa ni Alsaybar sa kanyang thesis ang mga katangian ng isang tunay
na lider na nasa katauhan ni Tatang, ayon sa ilang masugid na alagad nito:
1) Guro
– nagtuturo ng mga banal na aral ayon sa turo’t aral ng Maestro Jesus sa
patnubay ng Espiritu Santo.
2) Manghuhula
– nakakatalos ng damdamin ng isang tao sa patnubay ng banal na diwa ni Maestro
Jesus at Sanggunia ng mga lihim na suliranin ng tao.
3) Manggagamot
– nakapagpapagaling ng sakit ng katawan ng tao at ng kaluluwa ng tao ayon sa
paggamot ng Maestro Jesus.
4) Mangangaral
– nangangaral sa pagkilala sa tunay na Deyos ayon sa turo’t aral ng Maestro
Jesus, na hiwalay sa aklat na ginawa ng kaalaman ng tao. Nangangaral sa patnubay at diwa ng Maestro
Jesus.
5) Simula
at katapusan – punong tagapagpaganap sa hiwaga ng Deyos na s iya ang una at huling tagapagpatupad at tagasunod sa
aral ng Maestro Jesus.
Hindi na natin uungkatin
dito ang malagim na pangyayari noong Mayo 21, 1967 kung saan 33 kasapi ng
Lapiang Malaya ang minasaker na walang kalaban-laban ng mga pinagsamang puwersa
ng kapulisan at sundalo ng Administrasyong Marcos. Sa unang pagkakataon, ginamit ang armalite sa
mga Lapiang Malaya na tanging dala dala ay gulok na simbolo ng kalayaan na pinagtagumpayan ng mga Katipunero
noong 1986. Ang masaklap sa nangyaring
masaker ay ang paratang na si Tatang ay
luku-luko kaya’t kinulong siya sampu ng
kanyang mga matataas na opisyal sa National Mental Hospital. Labing isa sa mga lider ng LM ay nabilanggo
ng apat na taon.
Naging
matinding dagok sa kapatiran ng Lapiang Malaya ang masaker noong Mayo 21, 1967.
Ngunit nagkaroon sila ng bagong pag-asa
sa salitang binitiwan mismo ni Tatang bago siya binawian ng buhay, “Iiwanan
ko na muna kayo, ngunit ako ay muling babalik.
Kalimutan ninyo ako, huwag lang ang mga itinuro ko sa inyo.”
Inilibing
si Tatang sa Manila Memorial Park, at sa pagdala sa kanyang huling hantungan, animo’y bumukas ang langit. Sabi ng mga nakasaksi, nagkaroon ng mga
kidlat, pagdagundong sa kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Sa kanyang lapida, nakaukit ang sumusunod:
Reverend
Doctor Valentin de los Santos
Inventor
at Supremo ng Lapiang Malaya
at
Bucal (Vucal) ng Pananampalataya
Isinilang: Nobyembre 3, 1887
Nag-ibang
anyo: Agosto 23, 1967
Hindi namatay si Tatang ayon
sa LM kundi nagbagong-anyo. Sa espiritwal
ang namamatay lamang ay ang katawang-lupa
samantalang ang espiritu ay patuloy na nabubuhay at maaring magbalik-balik uli
sa panibagong katawan o anyo. Sabi rin
nila, ang ibig sabihin ng Valentin de los Santos ay “bale sampung ilaw ng mga
santo”, na nagpapahiwatig ng iba’t ibang santo na lumalangkap sa kanyang
katauhan at siya rin ang sulo tungo sa espiritwal na kaliwanagan.
--------------------------------
Tagalog
Charter:
Declaration
of the Birth-Right of a New Generation
of People
“That the
United Nations in Article 15 of the Universal Declaration of Human Rights
proclaimed: 1) That everyone has the right to nationality; and 2) that no one shall be arbitrarily deprived of his
nationality nor denied the right to change the same;
“That the
individual human rights are the inseparable attributes of his or her person,
and includes among others “a persons’s birth-right” and this right is what
gives him or her the dignity and worth as a human being.”
“That in the
last paragraph of Article IX of the Treaty of Paris and Article 1 of the
Spanish Royal Decree of May 11, l901, it was clearly stated that: the civil
rights and political status of the native inhabitant of the territories hereby
ceded to the United States shall be determined by the Congress which proviso
“left no such choice to the native born subjects of the territory;”
“That as a result of American Occupation and
administration over the said islands,
Philippine citizenship was determined and governed by Article IX of the Treaty
of Paris, by Article 1 of the Spanish Royal Decree of May 11, 1901, as amended by an Act of Congress of
March 23, 1912 by Section 2 a) paragraph 1 of Congressional Act dated
Commonwealth Constitution and designated as “The Filipino People” by the
Preamble of said Constitution as approved by the President of the United States on March 23,
1935 (U.S. Statute at Large, Vol 48);
“That the
urge to denounce and fight to cast the yoke of Slavery or Involuntary Servitude
is innate in the heart of any individual no matter what race and no matter in
what form said servitude may have been disguised or colored, particularly where
one’s citizenship or nationality was determined by a treaty, mandate or
statutes of a foreign power as the United States;
“That to give
substance and meaning to this struggle to free our people from bondage,
the natives of the Islands composed of men, women, and children from all walks of
life numbering four million, four thousand and fourteen (4,004,014)
embracing native Tagalogs, Visayans, Muslims and other native-born whose
nativity ranges from Y’Ami, Batanes to
the Zaluag-Muslim, was drafted and bonded together and once formed, promulgated
the “Tagalog Charter”, and in accord with the spirit of the Enabling Act of
Congress, the Tydings-McDuffie Law, “To provide for a Constitution and complete
independence of the Philippine Islands” was duly registered “fait accompli” on
March 7, 1957, with the Commission on Elections (re: Valentin V.
de los Santos) prior to the 1957
National Elections;
“That through
the reaffirmation of their forefathers’ traditions and faith in the Almighty DEYOS, the people of
these islands native-born inhabitants of the Archipelago with the registration
of the New Generation under the Tagalog Charter have by virtue of their Act
established the people’s Birthright for the purpose of assuming their national
identity;
“In view thereof, the New Generation of People
proclaims the Declaration of Birth-Right as a natural and fundamental achievement for all the
native-born inhabitants of the archipelago and its dependencies whose natural,
inherent rights, status, citizenship or which deprivation resulted from the
cession of their sovereignty to the United States by the Treaty of Paris of
December 10, 1898 and of the political and colonial bonds which have bound them
together through congressional acts and executive orders of the United States
Government with the end in view of exercising
the fundamental and natural rights inherent to give them the dignity and
worth as human beings, a distinct race, a sovereign people destined to assume
an equal and dignified station in life with a culture and language of their own
to which the laws of nature entitle them, to uphold and reaffirm their
forefather’s tradition and faith in the Almighty DEYOS and ultimately, to
remind the government of the United States and the government of all other
nations that it is their sacred obligation to treat the New Generation of
people with the same respect and courtesy which is their rightful
due as a people of dignity for which even the people of America and other
countries have constantly fought and died for and as such are accustomed to
require from each other.
In Testimony
Whereof and for and in behalf of the native inhabitants of the territory, I have
hereunto affixed my signature and seal this
27th day of July, 1966.
(Sgd.)
Valentin V. de los Santos
Supreme Head
(Registered Inventor – Washington DC)
[i]
Karamihan sa impormasyon sa artikulong ito, pati na ang manipesto, ay halaw sa
master’s thesis ni Bangele Alsaybar, “New People, New Nation – An Interpretive
Anthropological Study of Lapiang Malaya, 1987, na matatagpuan sa Filipiniana Section, Main Library, UP Diliman.